Do you have enough knowledge about Iligan City? Answer the following Trivia.

BRV Supporters Attend Rally

BRV rally Public Plaza
Photo of the BRV supporters who attended the opening salvo rally at Iligan City Public Plaza. Photo Courtesy: Tikbong Badelles FB page.

Thousands of supporters of the political party of Badelles-Regencia-Veracruz (BRV for brevity) attended the rally, opening of the local election campaign period in the public plaza in Iligan City today, March 27, 2016. The opening of the campaign period was supposed to start last March 25, 2016 but it fall on Good Friday which explicitly prohibited by law. Hence, candidates started their campaign on the 26th of March. The supporters worn red shirts to signify their support to the BRV group. The supporters together with the BRV candidates, started their walk from Landbank-Palao and proceeded to the public public plaza to canduct rally to explain their platforms for the city of Iligan. The group was headed by Tikbong Badelles, a candidate for congressman and Jemar Veracruz, a candidate for vice mayor. City Mayor Celso Regencia, who seek for re-election, was not able to attend because he is still detained at the Iligan City Jail because of his non-bailable case filed by the encumbent congressman in Iligan City. However, supporters still attend because they still believed that their mayor is innocent for the case filed against him.

Full Text of Cardinal Tagle’s Homily on Good Friday

Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle during his homily during Good Friday Liturgy on March 25, 2016.
Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle during his homily during Good Friday Liturgy on March 25, 2016.

Below is the full text of the homily of Manila Archbishop Luis Antonio Tagle on Good Friday, March 25, 2016.

[Ang Biyernes Santo ay] isa na siguro o baka pinakamadilim na araw o Biyernes sa kasaysayan ng sangkatauhan dahil ang anak ng Diyos na naging tao ay ipinapatay kahit inosente. Ang kadiliman ng kasalanan ay kitang-kita at damang-dama tuwing Biyernes Santo pero ito rin ang pinakabanal na Biyernes sapagka’t namalas natin ang hindi mapapantayan na pag-ibig na hindi naman natin dapat tamuhin.

Sa narinig nating Ebanghelyo, ang huling salita ni Hesus bago nalagutan ng hininga ay, “Natupad na. Naganap na.”

Ano ang natupad? Ang ang naganap? Siguro ang mga nagpapatay kay Hesus ang sasagot doon, sasabihin nila, “Ang aming misyon ang natupad na ikaw ay ipadakip at ipapatay. Nagtagumpay kami, naganap na ang aming plano na ikaw ay alisin sa mundong ito. Naganap na ang aming hangarin.”

Pero para kay Hesus, ano ang naganap? Sa mata ng mundo, wala siyang natupad. Total failure. Hindi napaglaban ang sarili….Pero ano ang natupad at naganap kay Hesus? Ang kanyang misyon. Misyon hindi ayon sa mundo, kung hindi misyon na ibinigay sa kanya ng Diyos Ama.

Noong tinapyas ni Pedro ang tainga ni Malchus, sabi ni Hesus, “Isalong mo ang iyong tabak, dapat kong inumin ang kalis ng paghihirap na ibinigay sa akin ng Ama. Huwag mong hadlangan, Pedro, ang aking pag-inom sa kalis ng paghihirap na naaayon sa plano ng Ama.” Kaya nang sumigaw si Hesus, “Nauuhaw ako!” Nauuhaw siya, sana mainom na niya ang kalis na binigay ng Ama. At pagkainom niya, sumigaw siya, “Naganap na!”

Nainom na niya ang kalis ng misyon ayon sa Ama na may kasamang paghihirap at nang nainom na niyang lahat, puwede na siyang mamatay. Naganap na niya ang iniutos ng Ama.

Ito po ay isang napakamisteryosong pamamaraan ng pagliligtas sa atin, sa mundo natin ngayon, na ang gusto natin success; ang gusto natin tagumpay, parang ang hirap paniwalaan na ang misyon ay matutupad sa pamamagitan ng pagdurusa at pagkatalo.

Ang mundo natin ngayon, ‘wag kang magpapatalo. Unahan. Yapakan. Ang hindi mayayapakan, ‘yan ang nakatupad ng kanyang misyon. Kaya punong-puno tayo ng inggitan, siraan. Bago ako maunahan, tapakan ko na.

Nakakalungkot sa opisina, kapag narinig natin na parang mapo-promote yung isa, naku, insecure na insecure. Galit na galit tayo. Bakit siya? Bakit hindi ako? Ano’ng gagawin? Magpapalapad ako ng papel, at kung malakas ang loob, sisiraan ko sa boss yung ipo-promote, at habang nasisira siya, tuwang-tuwa ka. At kapag ikaw ang na-promote at siya ay na-demote saka mo sasabihin, “Naganap na! Natupad na!”

That’s the gospel of success.

Nakakalungkot, mukhang ganyan din ang takbo ng ating pulitika. Sige, siraan na lang, totoo man o hindi, bahala na basta mapabagsak mo ‘yung isa, at ‘pag bagsak yung isa, “Natupad na! Naganap na!” Uhaw na uhaw sa posisyon, uhaw na uhaw sa tagumpay, uhaw na uhaw sa kayabangan pero nakakalimutan mauhaw sa misyon ayon sa Diyos, hindi misyon na idinidikta ng mundo. Tanging ang nauuhaw at tumutupad sa misyon galing sa Diyos ang makapagliligtas. Ang tumutupad sa misyong makamundo magpapahamak, hindi magliligtas.

Pero sabihin man natin ‘yan, napakamisteryoso, puwede pa nating sabihin sa Diyos, “Diyos Ama, tutuparin namin ang misyon pero ‘wag naman sa pamamagitan ng pagihihirap. Puwede ba na gagawin ko ang misyon, pero puwede, misyon na merong good time?” Mas madali gagawin ko ang misyon kung komportable. Papaano ko gagawin ang misyon kung may paghihirap?

Ang medyo nakalulungkot lang po, may ibang mapagsamantala na ginagamit ang paghihirap ni Hesus para paghirapin ang kanilang kapwa. At sasabihin, “‘Yan, tularan mo si Jesus.” Mga kumpanya na hindi binibigay ang tamang pasuweldo sa kanilang mga empleyado at habang naghihirap ang empleyado, sasabihin ng boss, “Okay ‘yan nakikiisa ka sa paghihirap ni Hesus.” Mga babae na pinagsasamantalahan, binubusabos, at pagkatapos sasabihan sila, “Tanggapin mo na lang ‘yan. Napapalapit ka kay Hesus.”

Mag-ingat po tayo. Hindi tinuturo sa atin na tayo ay magbigay ng dusa at pagdurusa at paghihirap sa iba at gagamitin natin si Hesus bilang dahilan sapagka’t si Hesus hindi nagpahirap ng kapwa. Hindi ‘yan gawain ni Hesus. At ang nagpapahirap sa kapwa tapos gagamitin si Hesus, mag-isip-isip ka.

Kaya ko po nasasabi ito, naanyayahan ako minsan magbigay ng Lenten recollection para sa mga manggagawa ng isang pabrika. Tuwang-tuwa ako, sabi ko, “Wow ang bait naman ng may-ari, ‘yung supervisor, gusto niya pang may recollection ang mga empleyado.” Nang tinanong ko, “Ano ho ba ang gusto niyong topic, tema?” Ang sabi niya, “Kasi Bishop, narinig ko, gusto nilang humingi ng umento sa suweldo. Puwede ho ba ipaliwanag niyo sa kanila na magdusa sila at sa kanilang pagdurusa, lalo silang napapalapit kay Hesus?”

Sabi ko, “Hindi, hindi ‘yan tunay na recollection. Hindi ganyan ang pananaw sa pagdurusa, na aapihin mo ang kapwa tapos ang iyong justification si Hesus. Hindi yan and pagdurusa ni Hesus.”

Ang pagdurusa ni Hesus, ayon sa ikalawang pagbasa sa Sulat sa mga Hebreo ay ang pagdurusa ng isang tao na lubusang ibinigay ang sarili para matupad ang kalooban ng Diyos, hind kumakapit sa sariling lakas, hindi kumakapit sa sariling plano, kundi ang plano ng Diyos at sa pagtupad sa plano ng Diyos, kayang harapin ang mga paghihirap.

Tanggapin natin ang pagtupad sa kalooban ng Diyos, may kasamang paghihirap, kamatayan sa sarili. Sinabi ni Jesus, mahalin mo ang iyong kaaway. Naku, may pagdurusa ‘yan pero kung susunod tayo doon sa utos ni Hesus, handa kang magdusa, mamahalin mo ang kaaway.

Sabi ni Hesus, ibigay mo ang kalahati ng iyong ari-arian, ibenta mo ang mga ari-arian mo at ibigay sa mga dukha. Naku, kung susunod ka sa gusto ni Hesus, may pagdurusa ka. Hindi ‘yung pagrudusa ang hanap mo kung hindi sususod ka sa Diyos.

Pagsunod mo, magiging walang-wala ka pero buong-buo para sa Diyos. Walang-wala sa sarili, buong-buo para sa Diyos.

At sinabi rin ng ikalawang pagbasa, si Hesus naging ganap sa kanyang pagtalima sa Diyos at naging ganap din sa pakikiisa sa atin. Anak siya ng Diyos pero naging tao, niyakap ang ating kondisyon. Sabi niya kay Pilato, kaya siya isinilang bilang tao ay para matupad ang plano ng Diyos, at tunay nakipag-isa siya sa atin. Nagpakababa, pati kamatayan bilang kriminal niyakap niya. Ganyan niya tayo kamahal.

Marami sa atin di naman ipapako sa krus. Yung iba sa atin maaaring mamatay pa nga sa class na class na ospital, mamatay sa ICU. Pero si Hesus na anak ng Diyos, dala ng malaking pag-ibig para sa atin, inako ang ating abang kalagayan.

‘Yan ang pag-ibig. Kahit hindi naman para sa kanya, niyakap niya dala ng kanyang pakikiisa sa kapwa.

Naikuwento ko na ito minsan pero magandang halimbawa. May isang babae raw na nagka-cancer. Ang kinatatakutan niya hindi yung mamatay. Ang kinatatakutan niya, kapag nag-chemotherapy siya, makakalbo siya. Kasi itong babae ay medyo image-conscious. Sabi niya mas gugustuhin pa niyang mamatay kaysa makalbo. Ayaw ng gamot kasi malulugas ang buhok. Hindi maiiwasan at dumating ang panlulugas ng buhok. Hindi raw lumalabas ng bahay, ikinahihiya ang kanyang bagong anyo.

Isang araw umuwi ang kanyang mister. Kalbo na rin si mister. Nagulat si misis, sabi, “Bakit?” “Nagpakalbo ako para hindi lang ikaw ang mapapahiya, dalawa tayo. Hindi ka mag-iisa, kasama mo ako. Kung pagtatawanan ka, pagtatawanan ako. Kung magmumukha kang kaawa-awa, magmumukha din akong kaawa-awa.”

Maliit na kuwento ‘yan pero parang ganyan ang ginawa ni Hesus. Hindi naman siya dapat maging tao at mamatay bilang kriminal pero niyakap niya para maging kapatid natin. A compassionate brother because he has experienced our weaknesses and our temptations, now he is a perfect brother who can plead before the Father not for himself but for us. That is perfection: a perfect son to the father, and a perfect brother to all of us.

Kaya tayo naligtas, ang ating kapatid walang sawa na naninikluhod sa Ama para sa atin dahil nauunawaan niya ang maging tao. ‘Yan ang naganap. The greatest love, pag-ibig sa Ama, pag-ibig sa atin, naganap na. Naganap. Kaya tayo naligtas.

Nakakalungkot na Biyernes, pinakamalungkot na Biyernes subali’t pinakabanal na Biyernes na hindi mapapantayan sa pag-ibig ni Hesus.

‘Wag po tayong maging tulad ni Pontio Pilato bagama’t nakita na inosente si Hesus, hindi makapanindigan sa katotohanan tungkol kay Hesus. Pinagpalit si Hesus sa kanyang ambisyon.

Huwag po nating tutularan ang nabulagan na mga punong pari, mga punong pari na nagtuturo tungkol sa Diyos pero ano ang isinigaw nila kay Pontio Pilato? “Wala kaming hari kung hindi si Caesar!” Hindi na ang Diyos ang kanilang hari maipapatay lang si Hesus. Nakalimutan na pati ang Diyos. Ang hari na nila ngayon si Caesar.

Tularan si Maria. Hindi maputol ang kanyang ugnayan sa kanyang anak kahit sinisibat ang kanyang puso, anak ko ‘yan, at kasama ni Hesus, sinunod siya ang kalooban ng Ama at naging ina nating lahat.

Mamili tayo: Pilato ka, punong pari ka, o Maria?

Tumahimik po tayo sandali, pasalamatan ang Diyos. Sa pamamagitan ni Hesus at ng kanyang pag-ibig, naganap na, natupad na ang ating kaligtasan.

Source [1]